Wednesday, October 3, 2018

HANDA KA NA BA?





Ang pagbabago ay walang katapusan at hindi natin ito matatakasan. Kung kaya't kailangang gawin ay adaptasyon upang hindi mapag-iwanan ng panahon. Isa na rito ang teknolohiya, sosyal na pakikipag ugnayan, paniniwala at iba pa.
Pag-usapan natin ngayon ang tuwirang pagbabagong nagaganap noong 30 taong lumipas at sa ngayong henerasyon ang millenial


Teknolohiya, higit na nagbabago ito sa paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ginagamit na ito para maka-chat, video calls ngayon habang noon ay mas nakahiligin nila ang pagpapadala ng sulat o ang maging harap-harapan na pakikipag-usap sa kaibigan, magulang at iba pa. 



Ang ibang kabataan naman ngayon ay nahiligan na ang pamimili gamit ang kanilang gadgets, tulad ng lazada o amazon, isang pindot lamang ay makukuha muna ang iyong gusto. Kapag may bagong brand ay mas hinihikayat ito kahit hindi gaanong mahalaga.



 
Noon ay ginagamit ang tapes at CD's habang ngayon ay dina-download nalang sa internet at pinapatunog nalang online.






Noon, naglalaro sa video games at ngayon ay online games. 

Noon, kung hindi mo susundin ang bilin ng magulang ay matitikman mo ang palo ng tsinelas, walis tingting at sinturon ni itay, ngayon naman ay mas ligtas na sa palo kahit maliit ang markang nakuha sa paaralan. 





Sa pakikipagsalimuha naman sa iba tulad ng paglalaro sa labas kasama ang kaibigan ay mas nangyayari noon dahil ngayon ay mas gusto pa nilang magkulong sa bahay kaharap ang gadgets.

Sa pag-aaral naman noon ay hindi ito gaanong pinagtutuunan ng pansin, kumbaga ayos lang kung hindi makapagtapos basta may trabaho lang at magkapera. Sa panahon ngayon naman ay mas gusto nilang makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng trabaho at magkaroon ng pera, ika nga, kung walang diploma mahirap kang magkapera.
Sa lahat ng pagbabagong nabangit, naranasan ko din ang ilan sa mga ito. Katulad ng tinatamad ng makipaglaro sa kaibigan sa labas ng bahay, kumbaga isa rin ako sa mga kabataang naging adik sa gadgets, paglalaro online, nakikinig ng musika online, at kinakausap ang kaibigan gamit ang internet, chatting, video calls at iba pa.
Ngunit sa kabila ng pagbabagong nagaganap sa lipunan, masasabi kong may malaking naidudulot ito sa tao. Nagiging praktikalan na sila sa buhay, napagtantong kung wala kang pinag-aralan mahirap nang makakita ng trabaho. Naging paraan ito upang ang kabataan sa ngayon at hinaharap ay magporsiging makapagtapos ng pag-aaral. Sa teknolohiya naman ay hindi na masyadong mahigpit ang mga magulang sa kanilang anak dahil mas bihasa na sila itong gamitin at naituturo nila ito ng maayos. Marami ng mga mag-aaral ang ginagamit ito upang makahanap ng pera, tulad ng online selling ng kanilang gamit at iba pa.
Sa kabila ng pagbabago ng mga bagay-bagay sa mundo ay tanda naman ito ng pag-unlad ng isang bansa. Kung kaya't hindi dapat katakutan ito, kailangan lamang na pag-isipan ng maigi kung ito bay nakakabuting gawin o mananatili na lang. 

Tanong kulang ngayon, handa ka na bang makikilahok sa pagbabago at pag-unlad ng mundo?